top of page
Search

15 Uncommon Filipino Words


Palagi nating ginagamit ang lenguaheng tagalog sa ating pang araw araw na pakikipag talastasan. Ngunit mayroon pa ring mga salitang halos hindi na nagagamit sa ating pakikipag talastasan. Ito ay ang Labing-Limang Halimbawa ng mga salitang madalang gamitin sa pangaraw-araw nating pakikipagtalastasan:

Alipugha: Hindi pagpapakita ng tamang pagpapahalaga ng responsibilidad sa isang bagay, gawa, at kilos.
Halimbawa: Alipugha si Jay sa tuwing nakakahawak siya ng pera.

Lahatan: Ang salitang lahatan ay kabuuan sa Ingles, ay nangangahulugang "ganap," "lahat ng bagay na isinasaalang-alang," o "sa kabuuan."
Halimbawa: Sila ay may 13 mga bata lahatan bagama't lima lamanag ang nakaligtas.

Nililo: Ang salitang nililo ay binubuo ng unlaping ni- at ​​salitang-ugat na lilo. Nangangahulugan ito na niloko, nalinlang, nagtaksil o taksil.
Halimbawa: Sinampahan siya ng kaso ng mga taong nililo niya at tinangayan niya ng salapi.

Mirasol: Sa Ingles, ito ay itinuturing na "Sunflower". Isa itong uri ng bulaklak na ang karaniwang kulay nito ay dilaw at kayumanggi.
Halimbawa: Kaakit-akit tingnan ang mga mirasol sa hardin ni Manong Ethan.

Masimod: Pagnanais o paglamon ng maraming pagkain. Sa madaling salita, ibig sabihin nito ay 'matakaw'.
Halimbawa: Ang alagang aso ni Jake ay masimod kahit lagi naman niya itong pinapakain.

Hinuhod: Sa Ingles ang salitang ito ay Kasunduan o napagkasunduan, ang salitang ito ay hindi na karaniwang ginagamit.
Halimbawa: Si Kimmy ay hinuhod sa iyong paraan sa ating gawain

Umagapay: Ang umagapay ay sumama ka sa isang tao pwede ito samahan ka sa patutunguhan mo.
Halimbawa: Siya ang umagapay sa akin papuntang tindahan.

Kabtol: Ang salitang kabtol ay ang pagpapalit o paglilipat.
Halimbawa: Ang estudyante nagkabtol sila ng upuan.

Hatinig: Ang hatinig sa salitang ingles ito ay "telephone" sa device na ito pwede ka makipag usap sa malayong lugar.
Halimbawa Gumamit ako ng hatinig upang tawagan ang aking magulang.

Dalita: Sa ingles, ang salitang ito ay nangangahulugang "suffering" o paghihirap. Ito ay ginagamit sa pag papaliwanag ng mahirap na sitwasyon.
Halimbawa: Napakalaki ang hinarap nilang dalita matapos ang unos.

Hagkan: Ang ibig sabihin ng salitang hagkan ay yakapin o "Hug" sa ingles.
Halimbawa: Kanyang hinagkan si Kaeya nung nakita niya tong umiiyak.

Haynayan: Ang kahulugan ng haynayan sa ingles ay ang isang sangay ng siyensiya na biyolohiya o "Biology".

Nautas: nagwakas, natapos na, nayari, namatay
Halimbawa: Marami ang nautas ng mga americano noong gera

Piging: Isang salu-salo o isang handaan sa mga okasyon.
Halimbawa: Kaarawan ng kapatid ni Meg sa darating na sabado. balita namin na may malaking piging para sa selebrasyon.

Panuos: Kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal.
Halimbawa: Ang panuos ay nagagamit ng mga kabataan ngayon upang makapagaral.

Ito ang Labing-Limang Salita na hindi masyadong nagagamit sa pagsasalita ng tagalog. Nawa'y meron kayong natutunan! Salamat sa pagbabasa!
38 views3 comments

3 Comments




Like

Mc Steven Libunao
Mc Steven Libunao
Nov 25, 2021

Thank you for this blog dahil marami akong natutunan na mga bagong salita na nagmula sa ating wika. 🥰💚


Like

Areza Jamie Jayme
Areza Jamie Jayme
Nov 24, 2021

Ang galing! Ako ay madaming natutunan na hindi ko inaakalang nasa wika pala natin

Like
bottom of page